Monthly Archives: October 2016

A Definitely Longer Weekend

Masaya yung naging kwentuhan namin ni Ate sa may massage booth sa pier, nalaman ko na ang TESDA pala, madaming programs na ganito. May mga opportunities pala na pwedeng gawing kumikitang kabuhayan. Magtayo kaya ako ng massage booth sa summer. Ilagay ko sa 3rd or 4th floor. Massage under the stars!

Nakapag build ako ng connections sa mga taong nakasabay ko sa byahe. Natutunan ko na ang Lord, hindi Nya hahayaan na hindi mo marating ang destiny Nya para sa buhay mo. Magpapadala Sya ng mga tao na tutulungan ka na ilabas yung bait sa ‘Yo. Ang dating ugali at personality mo ay hindi maganda, pero binago ka na Nya, at kung minsan hindi mo feel na maging yung taong design ng Lord, ibabalik ka Nya dun para marealize mo na ginawa ka Nyang kawangis Nya.

Narealize ko sa pakikipag-usap sa ibang tao na I can be a blessing san man ako pumunta. May magandang gagawin ang Diyos at gagamitin Nya ako, hindi lang sa UDM o sa Manila, pwede Nya akong gamitin san man Nya ako dalhin.

Isa sa mga di ko malilimutan ang breakfast namin ni Mama sa Haliwood Hotel. Nagkwento sya tungkol sa saya na naramdaman nya nung inabutan sya ni Joshua ng perang pang- mamogram .

Simula ngayon Lord, kukunin ko na po ang responsibility. I will embrace my role in the family.

Narealize ko na kelangan ko na talaga mag rise up at kelangan ko bilisan. Habang naglelevel up ako sa trabaho at sa ministry, kelangan conscious din ako sa ibang aspeto ng buhay ko. May pamilya ako sa probinsya. Dapat every time na nagmimeet kaming magkakamag-anak sa Manila, dapat napag – uusapan namin ang plano ng Panginoon para sa aming pamilya. Konti na lang ang oras, kelangan naming bilisan.

Hindi ko din inasahan na gagamitin ako ng Lord para tulungang palakasin ang mga kapatid ko na nanghihina sa kanilang pananampalataya. Umuwi ako samen na ako mismo nanghihina. Pero mahina ka man o malakas ay kagamit-gamit pa din ang buhay mo, basta meron kang mapagkumbabang spirit na handang sumunod.

Madaming memories at feelings na bumalik. Napatugtog ko ulit yung keyboard ko, nagamit ko ulit yung table ko kung san ko dati binabasa ang The Purpose Driven Life ni Rick Warren. Lord, ganun pala tayo nagsimula.

Nadaanan ko ulit yung malumot na hagdanan ni Lola, nakita ko kung san kami naglilinis dati nung grade 5 kami, nakapaglinis ako ng sementeryo. Naakap ko nang mahigpit ang teacher ko nung high school. Syempre hindi mawawala ang pambansang tanong sa mga umuuwi sa probinsya: May boyfriend ka na ba?

Ilang alon din ang katapat, ilang oras na discomfort sa byahe pero sabi ng Lola ko “Di pirmi it pauli” (Umuwi ka lagi). Tama nga naman ang sabi ng Tita ko “Sa ibang lugar gane nakakapagto ka, sa Bantoon pa ara” (Sa ibang lugar nga nakakarating ka, sa Banton pa kaya).

 

To be continued.